Kung natatakot ka, anong gagawin mo? Iiyak o tatakbo?Mahihimatay o matutulala at 'di aalis sa puwesto? Ako? tatakbo talaga siguro ako, lalo na kung hindi mo inaasahan ang mangyayari at maaaring nabigla ka sa naging resulta. Pero hanggang kailan at hanggang saan ako tatakbo? Paano kung napagod ako? At napatigil sa pagtakbo, anong mangyayari sa
akin?
akin?
i love it :) |
Maraming nagsasabi na " Dogs are man's Bestfriend". Sila
iyong isa sa poprotekta sa atin, magbabantay, tutulong at maaari nating maging karamay. Sila iyong maaari nating sabihan ng ating mga problema. Sila rin iyong maaaring magbigay aliw sa atin, magpasaya sa atin. Gaano ba katotoo ang kasabihans iyan? Totoo nga siguro pero hindi sa lahat ng pagkakataon at sa totoo lang hindi rin lahat. May mga aso kasing maaari nating maging kaibigan pero mayroon din namang maaari nating maging kaaway. May
mga asong talagang nagiging parte ng buhay ng kanilang nagiging amo. Mayroon ding nagiging tagapagligtas ng bawat isa sa atin. Nakakatuwa sapagkat kahit kaiba sila sa atin nagagawa parin nila tayong tulungan. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung bakit sa akin pa nangyari ito. Nakakalungkot kasi ito iyong nakapagpabago ng tingin ko sa kanila. Dati, talagang tuwang-tuwa ako sa kanila, aliw na aliw sa kanilang kacutetan, nainspired nang minsang mapabalita ang kabayanihan ng isang aso- si kabang pero nagkaroon pa ako ng ibang description sa kanila dahil sa nangyari.Nakakatakot! Nakakakilabot! sobra. Oo, mula noong naranasan ko iyon namuo na ang takot sa akong puso sa mga aso na minsang kinaaliwan ko.
Second year High School
ako noon nang mangyari sa akin ang isa sa hindi ko makakalimutang pangyayari sa aking buhay. Hinding- hindi ko iyon inakala. Mayroon kaming proyekto noon, ang gumawa ng science invetigatory project. Grupo-grupo kami noon at kailangan namin magmadali sapagkat kailangan na iyong ipasa. Kung kaya't noong kinabukasan sabado iyon gumawa kami ng aming proyekto sa bahay ng isa sa aming kagrupo. Bumili kami ng aming mga kakailanganin. Wala kaming nakitang dahon ng bayabas habang kami ay naglalakad iyon pa naman ang pangunahing sangkap. Kaya't muli kaming naghanap kasama ang isa sa aking kagrupo. Sinubukan naming pumunta doon sa bahay ng kanyang dating kaklase, at tamang tama marami silang bayabas at aba! mayroon din silang aso, malaki, at kulay brown at nakatali iyon doon sa may bayabasan. Pumasok kaming dalawa, pero yung kasama ko lang ang dumiretso hindi ko kasi kilala yung hihingan namin kaya doon na lang ako sa may bakanteng lote nila. Syempre siya nalang ang nanguha ng dahon ng bayabas tinulungan naman siya noong may-ari. Palabas na kami ng kanila,ng........ sobrang hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Hooh! hooh! sobra akong kinabahan, nanlamig at namuntla sa sobrang takot. Bigla- biglang nakawala ang aso! Bakit? walang nakakaalam. Hindi ko alam ang gagawin ko ng nangyari iyon. Sabi nila wag daw akong tatakbo, pero anung gagawin ko nataranta na ako sapagkat papalapit na siya sa akin habang tumatahol AW! AW! AW! AW!.. Kumaripas ako sa pagtakbo. Hindi ako sinunod yung sinabi nila. Sobra kasi akong takot na takot noon. Pero ang nakakatawa tumakbo papalabas at ng makita ko ang isang mababang pader, halos kalahati ko lang ang taas aba! alam niyo ba ang ginawa ko? Sumampa ako habang nakataas ang paa. Hindi ko na naisip na abot na abot ako ng aso nagpanic ba agad kasi ako. Sobra! Nakakatawa lang ang ganoon ang ginawa ko, sa ganoon kababang pader sasampa! hahahaha! Nakakatawa talaga! pero mabait talaga ang Diyos buti hindi ako kinagat tamang inamoy lang.Hooh! Salamat sa Diyos! at buhay pa ako, akala ko iyon na ang ikamamatay ko hindi pa pala, buti nalang!
OO! ang pangyayaring iyon ang nag-ugat sa takot na bumabalot sa akin hanggang ngayon na taglay ko parin sa puso ko ang takot ko sa mga aso na naduo dahil sa karanasan kong iyon. Natatawa man ako pag naaalala ko kong ano ang ginawa ko, kung ano ang naging reaksyon ko pero hindi maalis sa isip ko na minsan na akong hinabol ng aso at muntik ng makagat ng halos kasing laki kong aso. Hanggang ngayon kapag nakakakita at nakakasalubong parin kami ng aso kinakabahan agad ako. Dobleng kaba! Kasi naiisip ko, paano kong lumapit sa akin? Paano kung tahulan ulit ako, sundan at habulin? tatakbo kaya ulit ako? Magpapanic agad o hindi? Basta sana ito ay magsilbing aral sa akin, aba hindi lang pala sa akin sana'y sa ating lahat.